Ads

Friday, March 4, 2011

Kaibigan

Kay tagal ng paghihintay ko
At hindi umasa sa pagdating mo
Anong meron sa unang pagtatagpo
At ang samahan natin ay sintigas ng bato

Samahan nati'y parang bundok Apo
Na kahit umulan ay di maguguho
Lilipas ang lahat, ngunit di maglalaho
Pagkat totoo pag ako'y nangako

Mga lihim ay ipagtatapat sa'yo
Lahat ng bagay ay ipagkakaloob ko
Kahit kapalit ay kasawian ko
Huwag lang mapahamak ang kaibigan ko

Lahat ng bagay na nanggaling sa'yo
Iingatan at pahahalagahan ko
Kung maaari'y lagyan ng pabango
Mapatunayan lang ang pag-iingat ko


- M.A. -